Friday, March 19, 2010

Military Partisan Activities More Blatant in the South

Media Release
March 20, 2010

Military Partisan Activities More Blatant in the South

Bayan Muna partylist 3rd nominee Atty. Joven Laura is calling the attention of Army Chief Maj. Gen. Reynaldo Mapagu to “look into these cases of harassment and intimidation by his men on local leaders of Bayan Muna and other progressive partylists in Mindanao.”

In South Cotabato, the military is a step more blatant in their partisan activities. The 27th Infantry Battalion of the Philippine Army speakers have been airing their smear campaign against the progressive groups over radio accusing the latter of being legal fronts of the CPP/NDF/NPA. In the barrios, they have been conducting meetings to tell the people not to vote for the progressive partylists such as Bayan Muna and also against Satur Ocampo and Liza Maza.

Since January, the 27th IB- PA has been conducting surveys to gather information especially from active members of Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis, and Kabataan including supporters of Ocampo and Maza. They also gathered people in a barangay plaza to show a video documentary portraying the progressive partylists, Ocampo and Maza as members and supporters of the Communist Party of the Philippines and the New Peoples Army.

A number of local leaders in Barangays San Isidro and Sto. Niño in Koronadal City were subjected to different forms of harassment and intimidation by elements of the 27th IB-PA in February this year. The local leaders have already filed a complaint with the Commission on Elections (COMELEC) against the 27th IB-PA and its Commanding Officer, Lt. Col. Joshua Santiago.

Santiago is also involved in the harassment and intimidation of local leaders of peoples organization in Koronadal Cty in 2009.

Laura adds that, “Mapagu should immediately take action about these harassment cases and put a stop to all the violations against members and supporters of Bayan Muna and other progressive partylists and organizations.”

“If something happens to any of our members and supporters, there will be no one else to blame,” Laura warns Mapagu. ###


-----


Militar, mas Garapal ang kampanya Laban sa Bayan Muna sa Mindanao

Nananawagn si Bayan Muna 3rd nominee Atty. Joven Laura kay Army Chief Maj. Gen. Reynaldo Mapagu upang “imbestigahan ang mga kaso ng panliligalig at pananakot ng kanyang mga tauhan sa mga lider ng Bayan Muna at iba pang progresibong partylist sa Mindanao.”

Sa South Cotabato, mas garapal ang ginagawang partisan activities ng militar. Ang mga tagapagsalita ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army ay nagsasalita na sa radyo laban sa mga progresibong grupo at inaakusahan ang mga progresibo na mga “front” lang daw ng CPP/NDF/NPA. Sa mga baryo, naglulunsad sila ng mga pulong-pulong upang sabihin sa mga tao na huwag iboto ang mga progresibong partylist tulad ng Bayan Muna at gayundin sina Satur Ocampo at Lia Maza.

Magmula pa Enero ngayong taon, nagsasagawa na ang 27th IB-PA ng sarbey upang mangalap ng impormasyon lalo na mula sa mga aktibong miyembro ng Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis at Kabataan, kasama na rin ang mga tagasuporta nina Satur Ocmpo at Liza Maza. Iniipon din nila ang mga taumbaryo sa plasa upang magpalabas ng bidyo kung saan inilalarawan ang mga progresibong partylist at sina Ocampo at Maza bilang mga kasapi at tagasuporta ng Communist Party of the Philippines at New Peoples Army.

Ilang mga lokal na lider sa mga barangay ng San Isidro at Sto. Niño sa Koronadal City ay sumailalim sa iba’t ibang porma ng panghaharas at pananakot ng mga elemento ng 27th IB PA noong Pebrero ngayong taon. Nagsampa na ng reklamo ang mga nasabing lider sa Commission on Elections (COMELEC) laban sa 27th IB-PA at sa Commander nitong si Lt. Col. Joshua Santiago.

Sangkot na rin si Santiago at ang kanyang yunit sa harassment at pananakot sa mga lokal na lider ng peoples organization sa Koronadal City noong 2009.

Sinabi ni Laura na, “Dapat agad gumawa ng aksyon si Mapagu tungkol sa mga kaso ng harassment na ito at ihinto ang lahat ng paglabag sa karapatan ng mga kasapi at tagasuporta ng Bayan Muna at ng iba pang progresibong partyli st at organisasyon.”

“Kung may mangyaring masama sa alinman sa aming mga kasapi at tagasuporta, wala nang iba pang mapagbibintangan,” ang babala ni Laura kay Mapagu. ###