Saturday, March 6, 2010

Military Elements Strike Again

March 6, 2010


Reference: Atty. Joven Laura
3rd Nominee, Bayan Muna Partylist
www.bayanmuna.net

Military Elements Strike Again

CEBU CITY – Military elements take another form of harassment here against supporters of Satur Ocampo, Liza Maza, Bayan Muna and other progressive partylists.

A barangay captain in Mandaue City received a letter dated January 21 implying that he is a supporter of the CPP-NPA-NDF because he supports Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kabataan, Satur Ocampo and Liza Maza who, according to the letter “milunsad sa armado ug legal nga pakigbisog aron lumpagon ang demokrtikong gubyerno” (launching armed and legal struggle to destablize the democratic government).

The letter “strongly requests” Damaso Tumulak, Brgy. Capt. of Barangay Labogon to stop supporting the “communist” groups and personlities.

The letter came from the National Movement for the Preservation of Democracy, whose logo resembles that of the Alliance for Nationalism and Democracy Partylist (ANAD) and whose representative is a certain Pastor Jun Alcover.

According to Tumulak he has been receiving different forms of harassment from the military ever since he led the implementation of Bayan Muna Projects in their barangay in the year 2000. In 2007, a band of musicians serenaded him on his birthday in front of their house. He said the band players were all from the AFP Central Command based in Lapu-Lapu, Capas, Lahog, Cebu.

The letter also uses a fictitious name “Alfonso Pangilinan” using the names of Atty. Alfonso Cinco, Human Rights Lawyer and Jaime Paglinawan of Bayan and MAKABAYAN, both of whom are working in the Central Visayas.

In the meantime, Bayan Muna-Cebu strongly believes that the military is behind the dismantling of posters of the progressive partylists and senators and also the harassment done on their volunteers who are photographed while posting campaign materials. ###




March 6, 2010

Harasment ng Militar sa mga Progresibo sa Visayas, Patuloy Pa Rin

CEBU CITY – Ibang porma ng harasment ang isinasagawa ng mga elemento ng militar dito laban sa mga tagasuporta nina Satur Ocampo, Liza Maza, Bayan Muna at iba pang progresibong partylists.

Isang kapitan ng barangay sa Mandaue City and nakatanggap ng sulat na may petsang January 21 na nagpapahiwatig na siya ay sumusuporta sa CPP-NPA-NDF dahil siya ay sumusuporta sa Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kabataan, at kina Satur Ocampo at Liza Maza. Batay sa sulat ang mga nabanggit na organisasyon at mga personalidad ay “milunsad sa armado ug legal nga pakigbisog aron lumpagon ang demokratikong gubyerno” (naglulunsad ng armado at ligal na pakikibaka upang pabagsakin ang demokratikong gubyerno).

“Mariin ang kahilingan” sa sulat na tigilan na ni Damaso Tumulak, Brgy. Captain ng Barangay Labogon, ang pagsuporta sa “komunistang” grupo at mga personalidad.

Ang sulat ay nagmula sa National Movement for the Preservation of Democracy, na ang logo ay kahawig ng logo ng Alliance for Nationalism and Democracy Partylist (ANAD) na kinakatawan ng isang Pastor Jun Alcover.

Ayon kay Tumulak matagal na siyang nakakatanggap ng iba-ibang porma ng harassment mula sa militar mula pa noong 2000 kung kailan sila nagsimulang magpatupad ng Bayan Muna Project sa kanilang barangay. Noong 2007, isang banda ang humarana sa kanya sa kanyang kaarawan sa tapat ng kanilang bahay. Nakilala niyang lahat nag tumutugtog na mula sa AFP Central Command na nakabase sa Lapu-Lapu, Capas, Lahog, Cebu.

Gumamit din ang sulat ng gawa-gawang pangalang “Alfonso Pangilinan”. Naniniwala ang Bayan Muna-Cebu na ginamit ang mga pangalan nina Atty. Alfonso Cinco, isang Human Rights Lawyer at Jaime Paglinawan ng Bayan at MAKABAYAN upang lituhin si Tumulak at iba pang mga tagasuporta ng mga progresibo. Ang naturang mga personalidad na ginamit ang pangalan ay parehong nakabase sa Central Visayas.

Samantala, pinaniniwalaan din ng mga myembro at tagasuporta ng Bayan Muna-Cebu na mula rin sa hanay ng militar ang mga sibilyang kumukuha ng litrato sa mga volunteers na nagkakabit ng mga posters at iba pang campaign materials ng mga nabanggit na progresibo. Gayundin ang mga bumabaklas ng mga posters ng Bayan Muna at iba pang progresibong partylist.